It Hurts .. and It Hurts even more
Monday, March 26th, 2007Masakit talaga ang katotohanan lalo na kapag pag-ibig ang pinag-uusapan .. sabihan ka ba naman ng hanggang friends lang tayo eh hindi ka mapapa-aray. Bakit ganun sila kung kelan naman alam mong mahal mo siya tsaka ka naman paa-asahin, pinaglalaruan nyo lang ang pag-ibig .. lalo na ang aking pagmamahal na lubos kong ibinibigay. Ako rin naman kasi eh hindi na natuto alam ko na nga na hindi puede eh pinipilit ko pa rin pero ano ba ang gagawin ko kung ganun talaga ang nararamdaman ko. Hay naku bakit ko nga pa pala inilalagay dito eh wala namang nagbabasa nito, ewan ko basta ganun talaga eh at least nailabas ko ang aking mga saloobin .. siguro mararamdaman ko to panghabambuhay.