My Twisted Sunshine

May 29th, 2008 by fredd

Oh boy .. its been months since i blogged. All the stuff and things that i have been is pretty much the same although this past few days I’ve been happen to wake up with strange and weird things. It’s like when you open your eyes you see another day coming, you see the same sh*t all over again the sh*t that another day will be wasted going to work see the same people do the same stuff your boss keeps yapping all day long while you are in your desk or wherever you are working non-stop thinking that you have to do this so you can pay the bills and so on.

But one morning i came to realize that its not really important what you do or what you are, what really matter is there are some human being or even one that really cares about you someone that believes in you that you can achieve your goal or whatever you want in your life thats when i realize that in real life there is a thing and that only happens not very often. So to summarize it you have to get it when that times comes to you and you have to embrace it, think about it and hold it and never let it go.

And once again another morning another story to tell but i will never gonna tell you that maybe its about time you get that dream, your goal, your life. Get it and hold it, so that wherever you are or whatever you do you might be thinking that i for once is right or maybe wrong but that is up to you but for me i will just go ahead sleep in my bed and dream because tomorrow morning I’m gonna wake up that same old sh*t again :(.

My Rueful Dream

January 2nd, 2008 by fredd

After some time now I’ve been busy in my life, well sort of. Doing nothingness in my existence surfing the net and i stumble upon a story in which i already read it in the past. The post that he made really make me feel like I’m into this great feeling that you somehow embrace life as it is. Hindi ko na patatagalin pa and i will get straight to the point, i write a story about this girl and how i feel towards her..so i put it up on the net so anyone can see it and maybe one day she will saw it too(ambabaw noh). And since I’ve been in a very far place I’ll just want to give it a shot and post it here hehehe. Anyways her name is Lou and this is for her, so mag-baon ka na ng maiinom at makakain and be ready to cry(or laugh).

                          

My story began on feb 12,’05 pagkatanda ko sabado ito kahit tignan mo pa sa kalendaryo, siempre eto ang date na hindi ko malilimutan, bandang hapon ng gabi yon sa tambayan namin sa isang internet shop sa likod ng ue caloocan, nagyaya ang mga barkada ko na maglaro ng rose online, isa siyang kilalang game noon. Siempre dahil tambayan namin yun maiingay kami puro sigawan puro kantyawan kwento dito kwento doon at habang naglalaro ako kasama ng iba ko pang mga kaibigan bigla na lang ako napatingin sa pintuan pero wala namang pumasok na costumer siempre ako naman tuloy sa paglalaro pero ng lumingon ulit ako sa pintuan biglang may pumasok na babae cute siya, maganda at chinita. Bigla kong naramdaman na hindi ko maipaliwanag, tinanong ng babae sa clerk kung may bakante pa at sinabi ng clerk ay oo meron pa at bigla na lang siya tinuro sa isang bakanteng lugar katabi ng kaibigan ko na naglalaro din. So, i message my friend through the game that "i like the girl who is sitting right next to you" and he said "where?" and i replied "right beside you!", so he looked left and right to make a glympse of the girl and when he saw her my friend immediately said to me that "she’s pretty and beautiful!!", so after that my friend called the clerk whom we know told her that i like the girl who is sitting right next to my friend, and after that the clerk shouted quitely that i like the girl and kept saying my name over and over, buti na lang at medyo maingay sa loob ng shop. I was nervous at that time bcoz the girl might hear her at biglang tanungin kung sino yung lalake na sinasabi ng clerk, and lucky for me she is wearing an earphone which is hard for her to hear it very clearly ^_^ hehe, Pagkatapos ng kantyawan siempre naglaro na lang ako at hindi na lang isipin yung girl at naka-focus na lang sa game na nilalaro ko. Lumipas ang oras at lumipat ng rin ng upuan yung friend ko na naglalaro din para mapag-usapan yung girl, sabi ko naman laro na lang tayo. Pero noong paglingon ko sa kanya wala na siya sa kinauupuan niya, inisip ko na lang na tapos na siyang gumamit ng computer at umalis na, but as soon as i looked at my monitor there she was the girl iam looking for sitting next to me and i never thought the pc right next to me is vacant, and i told the clerk what happened and she told me that the pc she’s using is broken and hanged, kaya pala lumipat eh nasira yung ginagamit niyang computer at tinuro ng clerk na umupo malapit sa akin. Lumipas na naman ng ilang oras eh hindi pa rin siya tumatayo at ilang oras na rin akong naglalaro dahil nga enjoy ako noong time na yun, palingon-lingon pa nga ako sa kanyapara lang makita siya eh at one time kinausap ko yung nasa tabi niya na friend ko rin at kunwari ay may sinasabi ako sa kanya ^_^ hehe, medyo napapansin niya na palingon-lingon ako dahil napansin ko sa mga mata niya na tinitignan niya ako kaya behave na ako at focus na lang ulit ako sa nilalaro kong game. After a long hours of waiting i have to make a move na kahit simpleng hi or hello lang eh may masabi ako sa kanya pero ng sasabihin ko na eh tumayo na siya papunta sa counter at umalis and then i said to myself maybe that is the last time ill see her and maybeshe has a date.

Nang gabing yun hindi ko pa rin siya nalilimutan and im still thinking of her at sabi ko bukas mawawala din to, pero lumipas ang araw hindi ko pa rin siya matanggal sa isip ko, umabot na ng isang lingo eh hinahanap-hanap ko na siya and since that day lagi na lang ako gina-gabi kung umuwi sa amin and hoping na minsan eh mapadaan siya ulit. Days, weeks and a month have passed pero wala pa rin siya lagi ko na ngang tinitignan yung pinto sa shop at nagbabakasakali na siya ang pumasok. Then one day on march 22nd, siempre my usual day tambay sa shop then laro ng games at kwentuhan ng mga barkada, i was sitting near the stairs watching my friends play when suddenly the door opened and there she was wearing a pink dress and blue jeans .. Gosh she’s really beautiful, ako naman kunwari hindi ko siya napansin at tuloy pa rin ako sa kwentuhan naming mga barkada, si jannet naman binibiro niya pa ako dahil nandyan daw yung crush ko sabi ko naman oo napansin ko, then umupo siya malapit sa kabarkada ko dahil nga gagamit siya ng computer ako naman eh hindi mapalagay dahil matagal ko na siyang hindi nakikita kaya naman para akong batang makulit na hindi mapakali ^_^ hehe. Karamihan sa barkada ko eh hindi nila alam na may secret crush ako sa girl na yon and they keep on playing at nagkukwentuhan na lang sila ng kung anu-ano habang naglalaro, ako naman tahimik at walang imik sa isang tabi minsan patu-tayo ako para hindi ako mapansin ng barkada. Then tinopak si jannet at bigla na lang niyang sinabi sa barkada na nandito daw yung crush ko, eh siempre narinig nilang lahat yon dahil medyo gabi na at konti ang costumer, eh di naghihiyawan sila at nagpaparinig doon sa girl, panay ang biro nila sa akin kaya naman ako eh medyo nahihiya na dahil dinig na dinig yon sa buong shop. Hindi ko na lang sila pinansin at dun ako nakaupo sa isang tabi, tahimik at walang magawa, ngunit hindi ko talaga matiis at sumulyap na lang ako ng tingin sa kanya ang ganda niya talaga ang sabi ko. Tulad ng dati umalis na siya na hindi ko man lang siya nababati .. ewan ko at bigla na lang ako na-torpe kaya habang papa-alis na siya eh tinignan ko na lang siya ng maige at pa-smile pa siyang umalis at yun na ang last na nakita ko siya.

Matagal-tagal din na hindi ko na siya na-iisip at na-aalala dahil na rin siguro ay naging abala ako sa aking pag-aaral, dahil finals na at naging busy na rin ako sa mga exams ko sa school. Lumipas ang ilang buwan .. enrollment na naman balik ulit sa school at gaya ng dati tambay ulit para magkita-kita ulit ang mga tropa. One month akong ganun then one night naisipan kong manood ng movie na na-download ng brother ko sa aming computer the title is "My Sassy Girl", sa una akala ko hindi siya maganda panoorin pero hindi pala. Nang natapos na yung movie eh bigla ko na naman siyang na-isip dahil yung babae sa movie ay medyo may pagkahawig sa kanya tsinita at maganda. Kaya simula na naman ulit ng aking kalbaryo sa pag-iisip sa kanya. So, hanggang ngayon siya pa rin ang nasa isip ko kaya gumawa ako ng paraan para makilala siya, hinanap at pinagtanungan ko yung barkada niya yung mga friends niya na kung pede ko ba siyang makilala ngunit lahat yata sila eh inisnab ako at hindi na nag-reply. Humingi ako ng mga advices sa mga kakilala kong babae lahat sila iba-iba ang sagot iba-iba rin ang mga advices nila, halos lahat yata ng paraan eh ginawa ko na ngunit hanggang ngayon eh bigo pa rin ako. Kaya napagisip-isip ko na i-broadcast sa buong mundo ang aking istorya katulad ng ginawa nung lalake na nasa movie na napanood ko at may isa akong friend na naging inspirasyon ko para magawa ko ito. So, heto ulit ako balik sa realidad ng mundo, na hindi ko na siya makikilala o makita man lang sa personal ulit, pero masaya na rin ako sa kanya dahil na rin siguro ay alam ko na masaya na rin siya sa mahal niya ngayon, siguro kung ako yung taong yon eh ako na marahil ang pinakamasayang tao sa buong mundo ^_^. Hanggang dito na lang ang aking istorya kaya kung mabasa man niya ito eh gusto ko lang na maihatid sa kanya kung paano niya ako pinasaya sa mga nagdaan na panahon na nakita ko siya at yung mga obstacles na dinaanan ko at kung paano kita mabubura sa isip ko. But the question is .. is it really gone?

                         

"It’s hard to let go of someone else who has touched your life, but it hurts more to let go of someone who has never been yours yet changed your life most"  -Karen

Here’s the original link. Click me

This is it

November 13th, 2007 by fredd

Well ok maybe this is not the end but a start of a new chapter of my life .. finally my family and i will be migrating to canada to live there hopefully hehe :). Hindi ko alam kung ano ang magiging buhay ko dun or kung magiging successful ako or something no one know’s pero ito lang ang masisiguro ko, lahat siguro ng mga nakilala kong mga kaibigan, sa lahat ng mga nakilala ko sa work, sa mga kapitbahay kagalit man o hindi, sa mga tao sa school na pinag-aralan ko noong high school at college pati na rin sa ibang school na napasukan ko, at siempre hindi ko malilimutan ang mga kaibigan ko sa tambayan dahil sila din kung bakit ako naging ako :) i won’t forget you guys/gals haha. And ofcourse dun sa isang tao na minahal ko even though na bitter pa rin siya sa akin i hope you understand kung bakit ako naging aggresive and selfish na rin siguro but enough of that naiiyak na naman ako eh. Sa lahat na lang nagbasa nito (kahit wala) salamat sa inyo .. thank you very much i hope you enjoy my childish and somewhat direct to the point personality na na-hurt ko na minsan yung feelings nyo again im deeply sorry and thank you. So guys "this is it" and maybe this is the journey i’ve been waiting for all my life, goodbye everyone goodbye Pilipinas.

Phone freak

September 23rd, 2007 by fredd

i recently bought a new cellphone about a week ago and its perfect for me. i use it everyday for music and camera. i sold my old phone to a friend of mine because i want something new and im looking for a cellphone that fits to my lifestyle and personality. so all hail to my new phone and i hope that this is my last hahaha.

For a friend of mine

August 25th, 2007 by fredd

Wow its been awhile since i blogged.. oh well since sunday afternoon ngayon at medyo maulan sa labas may i-kwento na lang ako sa inyo. Im so happy that these days someone is making me feel alright, and she’s a friend of mine she always comfort me whenever i feel down and lonely so im saving her a space here in my blog. This is for you my friend take care and God bless and hope we can meet and put a smile on my face again :).

Emo day weekend

May 13th, 2007 by fredd

its saturday ang saya-saya, excited about the mini-concert typecast being held in sm marilao in bulacan. siempre yung mga kasama ko hinintay ko pa actually tumugtug pa kami nun kaso tinamad ako eh kaya medyo na late ako. after our practice kuno we headed out to bulacan and its already 4pm and the mini-concert starts at the same time. after realizing that we may not going to make it and we are in the middle of the journey we just headed out and make a go ahead and hoping that we may make it for the last song but alas a friend called my friend and said that the concert is over. kaya ayun sisihan na naman sa huli pero ok lang masayang experience naman yun eh .. kung baga pina-excite lang kami haha. sa bandang huli in-enjoy na lang namin ang stay namin dun at nagkararoon kami ng konting souvenir. Tpstik_1a sticker signed by them, how lovely (cry cry cry). sulit naman ang weekend hahaha (and more crying).

It Hurts .. and It Hurts even more

March 26th, 2007 by fredd

Masakit talaga ang katotohanan lalo na kapag pag-ibig ang pinag-uusapan .. sabihan ka ba naman ng hanggang friends lang tayo eh hindi ka mapapa-aray. Bakit ganun sila kung kelan naman alam mong mahal mo siya tsaka ka naman paa-asahin, pinaglalaruan nyo lang ang pag-ibig .. lalo na ang aking pagmamahal na lubos kong ibinibigay. Ako rin naman kasi eh hindi na natuto alam ko na nga na hindi puede eh pinipilit ko pa rin pero ano ba ang gagawin ko kung ganun talaga ang nararamdaman ko. Hay naku bakit ko nga pa pala inilalagay dito eh wala namang nagbabasa nito, ewan ko basta ganun talaga eh at least nailabas ko ang aking mga saloobin .. siguro mararamdaman ko to panghabambuhay.

Bad Year

January 1st, 2007 by fredd

The start of my new year isn’t just right .. i got sick on January 1, what a way to start a new year o.O .. na food poisoning ata ako hahaha hanggang ngayun masama pa rin ang pakiramdam ko. Baka naka-karma na ko, mag-sorry na ko sa mga inabgrabyado ko last year magbabagong buhay na ko promise.

At Last

September 17th, 2006 by fredd

whoa!! .. finally nag-blog ulet ako tagal na rin noh .. miss ko na pagba-blog ko dito buhay kasi parang life hindi ko maintindihan sobrang gulo minsan maganda ang nangyayari sayo tapos bigla na lang papanget hayzz buti na lang may mga time na feeling down ka na once na ma-imagine mo o ma-isip ang iyong inspirasyon eh gagaan at gagaan ang feeling mo pero minsan nakakailang din eh kasi you always find time para ma-isip man lang sya at nagmumukang ewan at gago ka na eh sya naman parang walang care sayo feeling "you dont exist in my world fredd" hayzz buti na lang mabait ako at marunong mang-unawa(nagbuhat ng sariling bangko) hahaha. kaya pala nag-blog ulet ako kasi may nagpagaan ulet ng buhay ko ewan ko sana this time .. sya na nga :) .. pahabol nga pala dun sa mga nagco-comments tnx at marami akong natutuhan sa inyo at least narealize ko ang mga mali ko sa buhay at siempre dun sa mga tao na hindi alam ang pagkatao ko ay ipagdadasal ko na lang sa diyos na sana makita rin nila ang tunay na ako na hindi agad naju-judge agad by the way i look outside sana makita rin nila ang aking kalooban yun lang i thank you ^^.

What now?

May 28th, 2006 by fredd

ok .. last week i met this girl she’s nice we really didn’t talk too much pero parang ang gaan ng feeling ko habang kausap siya .. then one day nabasa ko sa love section ng horoscope sa isang tabloid na ang nakalagay ay "Mahalin mo na siya kasi kayo na talaga" na shock ako coz im thinking of her ng biglang nabasa ko yun .. what now?